Si King Dave ay isang artista na hindi suka’t akalain ni Ryan na nagpapa-booking din pala sa mga bakla. Isang gabi kasi ay pumunta kami sa isang sikat na diskohan sa Makati. Nandoon si King Dave kasama ang manager nito. Makapal kasi talaga ang mukha ni Ryan kaya nang mabigyan ng pagkakataon ay lumapit kami sa mismong manager. Hindi ko na alam kung paano humantong ang lahat sa booking. Basta sinabi na lamang ng manager sa amin na naghihintay raw si King Dave sa sasakyan nito. Doon nga natikman ni Ryan ang kinababaliwang artista. Hindi nakontento sa limang libo at pati pa ang kakabili lamang na iphone ni Ryan ay naangkin nito. Baliwala lang naman sa matalik kong kaibigan iyon kasi mayaman naman siya.

Pinagmasdan ko si Jano. Napag-isip-isip kong hindi naman talaga ito ang tipong hahabulin ko para lang matikman. “Sige, sis. Paano ko nga siya ia-approach?” tanong ko sa kanya.

“Ako na ang bahala, sis. Hintay ka lang. Type ko rin kasing matikman ulit si Lean.”

Si Lean ay varsity player din na malapit kay Jano. Isa rin itong hunk. Natikman ito ni Ryan sa halagang isang libo. Kailangan daw kasi nito ng pang-allowance dahil nagastos sa inoman. Kaya ayun, napapayag agad ni Ryan. Sinundan lamang nito sa CR pagkatapos maglaro. Iyon din ang naging plano ng matalik kong kaibigan. Susundan namin ang mga ito sa CR pagkatapos. Masarap daw kasi ang mga lalaking amoy pawis.

Nang matapos nga ang laro ay tumayo na kami ni Ryan. Mabilis kaming tumungo malapit sa CR. Aabangan namin doon sina Jano at Lean.

“Hi, Ryan…” bati ni Amir. Isa ito sa mga varsity player na natikman na rin ng matalik kong kaibigan. Napakagwapo rin nito sa totoo lang. Naliligo pa ito sa pawis noon. Naka-basketball shorts lang kasi ito. Lumapit ito sa puwesto namin.

“Hello, baby ko…” ganting-bati naman ni Ryan. Iyon talaga ang endearment niya sa mga lalaki.

Itinukod ni Amir ang kanang kamay malapit sa ulo ni Ryan. Tagaktak talaga ito sa pawis. “Ayaw mo?” tanong nito at agad ko namang naiintindihan ang ibig nitong sabihin nang hipuin nito ang harapan ng suot na basketball shorts.

“Ang bango mo naman,” malanding sabi ni Ryan na kaagad inamoy ang kilikili ni Amir.

“May mas mabango pa sa kilikili ko,” nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay ni Ryan at inilagay sa harapan ng basketball shorts nito.

Marami na ang nagtatawanan. Mga kapwa player din ni Amir. Napansin na pala ng mga ito ang landiang nagaganap.

“Namamakla ka na naman, parekoy?” sabi ng isa.

“Para sa ekonomiya!” natatawang sabi naman ni Amir. “Mabuti pang ikaw na ang bahala sa isa,” dagdag nitong sabi na saglit na napatingin sa akin. Ako ang ibig nitong sabihin.

Hindi ko alam kung bakit pero talagang naaasiwa na ako sa mga nangyayari. Parang ang baba na nang tingin ko sa sarili noon.

“Sis, mauna na ako sa ‘yo,” sabi ko at walang lingon-likod na umalis.

“Hoy! Hintayin mo ako!” narinig kong sabi ni Ryan na sinundan pala ako.

Hindi ako huminto sa paglalakad hanggang sa naramdaman kong inakbayan na ako ni Ryan.

“Bakit ka umalis?” tanong nito.

“Sis, hindi ko talaga kaya ang mga ganoong eksena, e. Pasensiya na,” tugon ko.

“Hay naku! Ang dapat sa ‘yo, sis, gawan ng rebolto. Ikaw na ang bagong virgin Mary!” natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

Bigla kaming natigilan nang makita namin ang magkaibigang Jano at Lean. Mas lalo kaming natawa dahil may dalawang baklang kasama ang mga ito. Inaakbayan pa nila. Sobrang harot ng mga baklang iyon.

“Punyeta! Naunahan na pala tayo ng booking!” sabi ni Ryan nang makalayo na kami sa CR ng mga lalaki.

-----

To be continued…