Saglit akong nag-isip. May sumibol na kaba sa dibdib ko nang mga sandaling iyon. Kakaiba kasi ang kislap sa mga mata ng matalik kong kaibigan. Alam kong may plano siyang maka-score kay Rico. Well… sino bang bakla ang ayaw tumikim kay Rico?

“Sis?”

“Okay lang,” mahina kong tugon. Nahihiya akong tanggihan si Rico sa totoo lang. Tuwang-tuwa naman si Ryan sa pagpayag ko.

Pabalik na kami sa loob ng bahay nang biglang inakbayan ako ni Rico. Shit! Parang tumalon talaga ang puso ko no’n. Amoy na amoy ko ang gamit nitong deodorant. Ang bango niya talaga. Nang makita kami ni Ryan ay ngumiti siya sa akin at binilisan ang paglalakad para mauna na siya sa amin.

“Naikuwento mo na ba sa kaibigan mo ang nangyari kagabi?” pabulong na tanong ni Rico sa tenga ko. Hindi ko alam kung naramdaman ba niyang medyo napaigtad ako kasi naman ang init ng hininga niya.

“Hindi. Bakit ko naman ikukwento sa kanya ang tungkol doon?” tugon ko.

“Buti naman,” sabi niya. “Pahingi nga ng sigarilyo.”

Kaagad ko naman siyang binigyan. Bumili rin kasi ako ng lighter kaya pati iyon ay ibinigay ko na rin sa kanya. Nagsindi siya at sunod-sunod na hitit-buga ng usok ang ginawa.

Pagpasok namin ay kaagad na tinagayan ni Ryan si Rico. Tinanggap naman agad ni Rico iyon at ininom. Muli akong kinabahan. Ewan ko ba, nalalandian talaga ako kay Ryan nang mga sandaling iyon.

Pinaupo namin si Rico sa sopa. Kami ni Ryan ay sa sahig pa rin. Nagpatuloy nga ang inoman namin. Nang maubos ang tatlong bote ay medyo nakaramdam na ako nang pagkahilo. Alam kong ganoon din si Ryan. Pareho naman kasi kaming hindi sanay.

“Rico, puwedeng magtanong?” tanong ni Ryan.

Ngumiti si Rico. “Sure…”

“Ahm… may karanasan ka na ba sa mga bakla?”

Kumunot ang noo ko. Alam ko na kung saan patungo ang katanungang iyon ni Ryan. Ganoon din kasi madalas ang mga tanong niya sa ibang lalaki.

Tumawa si Rico. Napatingin siya sa akin bago tumugon, “Sa totoo lang ay birhin pa ako sa mga bakla.”

Napalunok ako nang maraming laway sa naging tugon niya. Naisip ko tuloy na hindi kaya ang totoo e maraming beses na siyang nakuha ng mga bakla? Baka nagkunwari din ito sa amin ni Randy.

“Talaga? Ang swerte naman nang makakauna sa ‘yo, papa Rico. Ayaw mo bang subukan?” muling mga katanungan ni Ryan.

Natawa na naman si Rico. “Minsan naiisip ko ring subukan sa totoo lang,” sabi nito.

Mas lalo nang nagtakbohan ang mga daga sa aking dibdib. Kitang-kita ko sa mukha ni Ryan na pursigedo itong tikman si Rico.

“Bakit ‘di mo subukan sa akin? Kaya kong patirikin ang mga mata mo,” sabi ni Ryan.

“Weehhh…” nakangising sabi ni Rico.

Biglang tumayo si Ryan at umupo sa tabi ni Rico. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang mga sandaling iyon.

“Anong weehhhh? Try natin, gusto mo?” Ipinatong ni Ryan ang kanang kamay sa harap ng boxer ni Rico.

Bumunghalit ng tawa si Rico. Inalis niya ang kamay ni Ryan sa harap ng boxer. “Masyado kang agresibo, ha. Pero sorry kasi hindi pa ito ang tamang panahon,” sabi niya.

“Ikaw ang bahala. Basta nandito lang ako kung gusto mo. O… puwede ring kay Dindo mo subukan,” sabi ni Ryan at kumindat pa sa akin.

Natawa lang si Rico. Bago umalis si Ryan sa tabi niya ay nagawa pa ng matalik kong kaibigan na muling dakmahin ang harap niya. Nainis talaga ako sa kalandian ni Ryan.

Limang bote na ang naubos namin. Pulang-pula na kaming tatlo. Napansin kong tinatamaan na rin si Rico. Sobrang daldal na niya no’n. Hindi ko na talaga kinaya pa at naramdaman kong parang babaliktad na ang aking sikmura. Napatakbo ako papunta sa CR. Suka ako nang suka. Parang matatanggal na nga ang bituka ko. Nang mahimas-masan ay medyo pasuray-suray akong bumalik sa sala.

Parang gumuho ang mundo ko sa nasaksihan.

-----

To be continued…