Tuesday, January 2, 2018

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 22


KINAGABIHAN ay nagpunta nga sa Love Bar ang magkaibigang Jocee at Jd. Excited na excited silang dalawa. Hindi na sila makapaghintay sa mga naggagwapuhan at nagmamachuhang modelo. Pero sa totoo lang, si Teolo ang talagang nais makita ni Jocee. Sa tingin niya talaga ay walang nagbago sa kanyang pagtingin kay Teolo.

"Teka, mare. Bakit dito ang fashion show? Sa bar talaga?" namamanghang tanong ni Jocee.

Nauna ng lumabas ng taxi si Jd at sumunod naman agad siya.

"Naman, mare. Cool kasi ang theme nila. Iyong parang party lang. Kaya makikiparty rin tayo," tugon ni Jd na inilabas agad ang lipstick at pressed powder sa shoulder bag.

"Over, mare, retouch agad agad?" natatawang sabi ni Jocee.

"Naman, mare, para always fresh and pretty," natatawa ring sabi ni Jd.

"Char... ikaw na talaga, mare."

"Hay naku... mag-retouch ka na nga lang, mare," ani Jd na inilahad ang lipstick at pressed powder kay Jocee.

"No, mare, I don't need that just yet. I'm still fresh and pretty," ani Jocee.

"Bongga ka talaga, mare. You the one!" natatawa namang sabi ni Jd.

"Oh tara na, bago pa mas humaba ang pila, mare."

Naglakad na sila at pumila na nga sa entrance.

"Ang dami namang tao, mare," ani Jocee.

"Patience is a virtue, mare, enjoy mo muna ang mata mo sa mga poging papa sa paligid," nakangiting sabi ni Jd.

"Ano pa nga ba?" nakataas-kilay na sabi ni Jocee.

"Uy, manonood pala kayo?"

Napatingin sina Jocee at Jd sa nagsalita. Agad rumihestro sa kanilang mukha ang matamis na ngiti nang makita si Nelvin.

"Uy, Nelvin, manonood ka rin?" tanong ni Jocee.

"Are you gay?" tanong naman ni Jd.

Tumawa si Nelvin. "Before anything else, congrats me muna," anito na abot-tenga ang ngiti.

Nagkatinginan sina Jocee at Jd kapagkuwa'y muling napaharap kay Nelvin.

"Congrats, Nelvin," halos sabay nilang sabi.

Ngumiti si Nelvin. "Natupad na kasi ang dream kong maging model. Nakapasa ako sa audition. Kasali ako sa rarampa mamaya kaya suportahan niyo ako ha. Shout my name para dadami pa ang projects ko," anitong nasa mukha ang labis na kaligayahan.

"OMG! Really? Wow hindi ako makapaniwalang nakatikim ako ng model!" ang hindi makapaniwalang sabi ni Jd.

Napatingin naman sa paligid si Nelvin. May kalakasan kasi ang boses ni Jd nang sabihin iyon.

"Hoy, mare! Hindi pa nga sikat si Nelvin, pinapalaos mo na," saway ni Jocee.

"Ay sorry... masyado akong na-carried away," hinging paumanhin ni Jd kay Nelvin.

Ngumiti lamang si Nelvin kay Jd. "Sige I have to go. Mauna na ako sa inyo sa loob," paalam nito.

Pag-alis ni Nelvin ay parang nangisay sa sobrang kilig si Jd. Tinaasan naman ito ng kilay ni Jocee.

"Oh tama na, mare. Akala ko ba ayaw mong umasa kay Nelvin," ani Jocee.

"I know right. It's just that, masaya lang ako na may natikman akong model at malay mo mas sisikat pa si Nelvin 'di ba. Nakaka-proud super..." kinikilig na sabi ni Jd.

"Oh edi wow, ikaw na ang real queen," ani Jocee.

Sabay silang nagtawanan.

*****

SAKAY si Sarah ng sasakyan ni Simonscott. Bigla kasing naisipan niyang manood ng fashion show kung saan ay kasama si Teolo. Nang sabihin niya sa nobyo ang kanyang plano ay agad naman itong pumayag, heto't sinamahan pa nga siya.

"Okay lang talaga sa 'yo, bhe?" tanong niya kay Simonscott na kasalukuyang nagda-drive.

Ngumiti ito sa kanya. "Oo naman, bhe, I understand you naman e. I know namimiss mo pa rin siya kahit papaano, which is normal. Hindi naman gano'n kadaling kalimutan ang past natin especially if we really love them," anito.

Hangang-hanga talaga siya sa point of views na meron si Simonscott. Malawak ang pang-unawa nito sa mga bagay-bagay.

"Thanks, bhe," nakangiti niyang sabi sabay halik sa pisngi ni Simonscott.

"I love you, bhe," ani Simonscott.

"I love you too, bhe," nakangiting tugon ni Sarah.

Hinalikan niya ang nobyo sa mga labi pero tamang smack lang.

"But don't worry, bhe, mas pogi ka kay Teolo," mayamaya ay sabi ni Sarah.

"Owwwsss... so puwede rin akong mag-model?" natatawang sabi ni Simonscott.

"Oo naman noh. Kunting palaki lang sa katawan malalamangan mo na sila, bhe."

"Ah tatandaan ko 'yang sinabi mo, bhe. Magiging sikat din akong model balang araw," ani Simonscott na lumingon saglit sa kanya sabay kindat.

Kinilig naman si Sarah sa kasintahan. "Pero alam mo, bhe, ayaw kong pasukin mo ang mundong 'yon," aniya.

"Bakit naman, bhe?" kunot-noong tanong ni Simonscott.

"Kasi po... dadami na ang tagahanga mo. Saka, bhe, gusto kong ako lang ang makakita ng katawan mo," malambing na sabi ni Sarah na hinahagod pa ang dibdib ni Simonscott.

"Gusto ko 'yang sinabi mo, bhe. Gusto kong ipagdamot mo ako sa iba kasi iyong-iyo lang ako."

Natawa si Sarah sa sinabi nito. Sobrang saya niya talaga nang mga sandaling iyon. Wala ng makakapantay pa.

*****

"RHONE, who's that chick?" tanong ni Billie.

Kadarating lamang nila sa Love Bar kung saan gaganapin ang fashion show.

"Shit! Si Jocee!" nanlaki ang mga mata ni Rhone.

Natawa si Billie. Ang plano kasi nila ay huwag ipaalam kay Jocee na manonood sila ng fashion show pero heto nga at mas nauna pa sa kanilang dumating.

Natawa na rin si Rhone.

"Gulatin natin," ani Billie.

Lumapit na nga sila sa kinaroroonan ni Jocee.

"Hoy bakla! Ano'ng ginagawa mo rito ha?" tanong ni Billie.

Namilog naman ang mga mata ni Jocee. "Kayo, ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong nito.

"Manonood ng fashion show," sagot ni Rhone at pinakita pa ang hawak na ticket.

Pinakita rin ni Billie ang kanyang ticket.

"Teka... paano kayong naka-afford ng ticket e ang poorita sanchez niyo?" tanong ni Jocee.

"Ang yabang mo, baka ikaw ang poor, if I know libre na naman ng kaibigan mo 'yang ticket!" nakataas-kilay na sabi ni Rhone.

"Tseee... ako bumili ng ticket ko noh!" ani Jocee sabay kurot ng mahina sa tagiliran ni Jd para sumakay sa kanyang sinabi.

Hindi naman nagreact si Jd. Parang OP na nga ito sa kanila.

"Umayos ng linya please..."

Napatingin sila sa nag-announce.

"Sige bakla, kita-kits na lang tayo sa loob," ani Billie.

Napabuga naman ng hangin si Jocee nang umalis sina Billie at Rhone.

*****

"HIECHAN, saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Piasha na pilit hinahawakan ang kamay niya.

Pero hindi na ito pinansin pa ni Hiechan. Tuloy-tuloy siyang naglakad palabas ng hospital.

Tila wala na siya sa sarili. Ang nais lamang niya ay ang makalayo.

Hindi pa rin siya makapaniwalang halos sabay na sinabi sa kanya ng mga doktor ang pagpanaw ng dalawang importanteng tao sa kanyang buhay.

Hilam na sa luha ang kanyang mga mata. Hindi siya sigurado kung saan nga ba ang direksiyon niya.

Kung maaari lamang ibalik ang panahon sana hindi na niya nagawang lokohin pa si Mau. Hindi sana ito nangyari ngayon kung hindi lang sila naghiwalay ng landas ng kabiyak.

Sa kapatid naman niyang si Rod, sana kinausap niya ito ng maayos. Sana inunawa muna niya ito ng mabuti bago hinusgahan at sinaktan.

Ang daming pumapasok sa isipan niya. Ang dami niyang pinagsisisihan ngayong parang isang kisap mata lamang ay sabay siyang iniwan nina Mau at Rod.

Gulong-gulo na ang kanyang isipan at hindi na alam ang gagawin. Tila nakalimutan na rin niya ang Diyos nang mga sandaling iyon o sadyang isa rin ito sa kanyang sinisisi.

Tila nililipad lamang siya ng hangin. Umaayon lamang siya at walang kasiguraduhan ang destinasyon.


----

To be continued....