Friday, November 17, 2017

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 19


KASALUKUYANG nakahiga na si Piasha at handa ng matulog nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bedside table. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Mau ang tumatawag.

"Sis, tuluyan na akong iniwan ni Hiechan," umiiyak na sabi ni Mau.

Napabuntong-hininga siya. "Sis, bigyan niyo muna ng space ang isa't isa. Doon mo masusukat kung gaano ka kamahal ng asawa mo. Nagawa mo na ang parte mo, umuwi ka na diyan sa bahay niyo. It's time for Hiechan to do his part. Kung mahal ka talaga niya, babalik din siya sa 'yo," aniya.

"Thanks, sis. Sorry lagi na lang kitang inaabala nang dahil sa problema ko ngayon," ani Mau na panay ang hikbi.

"Don't mention it, sis, you know how much I love you. I'm your bestfriend. As what I've said, sino pa ba ang magdadamayan kung hindi tayu-tayo lang 'di ba?"

"Sige, sis, salamat ulit," mahina niyang sabi.

Matapos ibaba ang cellphone ay napangiti si Mau. Tama ang matalik niyang kaibigan at alam niyang mahal na mahal siya ni Hiechan. May tiwala siyang babalik ito sa kanya.

Samantalang gulong-gulo naman ang utak ni Hiechan habang naglalakad sa daan. Hindi niya alam kung paano pa patatawarin ang nakakabatang kapatid na si Rod matapos nitong isiwalat sa kanya ang lahat.

Inamin ni Rod na matagal na nga siyang pinagnanasahan nito. At ang hinding-hindi niya matatanggap ay ang pag-amin nitong ginamit siya nito kagabi. Tuluyan na rin siyang nakalimot kaya hindi niya napigilan ang sarili. Nasuntok niya ito ng maraming beses. Duguan ito ng kanyang iniwan.

"Shit! Bakit niya nagawa sa akin 'to? Magkapatid kami!"

Naisipan na niyang umuwi ng bahay. Ayaw niyang makita si Rod at saka wala naman siyang ibang mauuwian.

Pagdating niya sa bahay ay lumabas ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Bukas kasi ang ilaw ng kanilang kwarto. Nawala ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib.

Kaagad siyang kumatok sa pinto. "Hon! Hon!" maluha-luha niyang tawag kay Mau.

Napadilat ng mga mata si Mau. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kanina. Dinig na dinig niya ang mga katok at tawag sa ibaba.

"Hon! Hon!"

Kinurot niya ang mga pisngi sa pag-aakalang nananaginip lamang siya. Pero hindi iyon panaginip. Totoong nasa ibaba si Hiechan. Nagpaligsahan agad sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Dali-dali siyang bumangon at tumayo sa kama. Napatakbo siya palabas ng kwarto. Hilam na hilam sa luha ang kanyang mga mata.

Patuloy sa pagkatok at pagtawag si Hiechan sa labas. Excited na excited na siyang makita ang kanyang asawa. Bigla siyang nakarinig na may parang nahulog sa hagdanan at napadaing.

Sumilip si Hiechan sa bintana. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Mau sa ibaba ng hagdanan. Ang kanyang asawa pala ang narinig niyang nahulog kanina. Parang sasabog ang kanyang dibdib. Mataas pa naman ang hagdanan at alam niyang labis na nasaktan si Mau.

Dahil siguro sa adrenaline niya sa katawan ay mabilis pa sa roller coaster na sinuntok niya ang glass window. Nabasag iyon at hindi man lamang niya ininda ang sakit. Dumugo ang kanyang mga kamao.

Kaagad siyang umakyat at pumasok sa bintana. Nang makapasok ay halos liparin niya palapit si Mau. Agad niya itong inilagay sa kanyang kandungan.

"Hon... hon... I'm here," tumutulo ang mga luhang wika ni Hiechan. Tinapik-tapik niya sa mukha ang asawa. Duguan ang ulo nito at nakapikit na ang mga mata. "Hon, hold on, dadalhin kita sa hospital..." natataranta na niyang sabi. Wala pa naman siyang alam tungkol sa mga first aid kapag may mga ganitong aksidente na nangyari.

Binuhat niya si Mau palabas ng bahay.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya.

Isang natatarantang bakla ang lumapit sa kanila. "Kuya, wait lang, tatawag ako ng ambulansiya," anitong kinuha agad ang cellphone sa bulsa.

Nagpilit siyang bigyan ng ngiti ang naturang bakla. Hindi niya ito close pero kilala naman niya dahil magkapitbahay nga sila. "Salamat, Billie," sabi niya.

Napaupo siya sa upuan na nakita sa labas ng tindahan. Karga pa rin niya sa kandungan ang kanyang pinakamamahal na kabiyak.

"Hon... I love you so much, nandito lang ako, please huwag kang papatalo," sabi niya kay Mau na ani mo'y lantang gulay na nang mga sandaling iyon. Hinalikan niya ito sa labi. Tumulo pa ang kanyang mga luha sa pisngi nito.

*****

NIYAKAP ni Patricia ng mahigpit si Teolo. "Babe, if that's your decision, sige, tatanggapin ko. Anyways, bata pa naman tayo e, marami pang magbabago, marami pang mangyayari. Ang gusto ko lang sana ngayon, maging magkaibigan tayo," umiiyak na sabi ng dalaga.

Napangiti si Teolo. Bumilieve siya kay Patricia nang mga sandaling iyon. Atleast ginagamit pa rin nito ang utak. Hindi ito gaya ni Sarah na hahamakin ang lahat para maangkin siyang muli. 

Ang pananaw niya kasi pagdating sa love, kung ayaw na ng isang tao sa 'yo, huwag ng ipaggiitan pa ang sarili. Parang sinaktan mo na rin mismo ang sarili kung gano'n. 

Ang relasyon kasi ay para lamang sa mga taong totoong nagmamahalan. Sa side niya ngayon, naguguluhan pa siya sa nararamdaman para kay Patricia. Ayaw niyang umasa ang dalaga lalo na't napakabuting babae nito, kaya siya nakipag-break.

Kumalas siya mula sa mahigpit na pagkakayakap ni Patricia. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at pinahid ang mga luha.

"Tama ka, Pat. Bata pa tayo, hindi pa natin alam ang takbo ng mundo. Malay natin 'di ba, tayo rin palang dalawa ang itinakda para sa isa't isa," nakangiti niyang sabi rito.

Napatango-tango si Patricia. Pero hindi pa rin maitatago ng mga luhang patuloy sa pag-agos mula sa mga mata ang sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon.

"Thanks, Teolo. Atleast nagpakatotoo ka sa sarili mo. Actually, believe nga ako sa ginawa mo ngayon e. Pinapatunayan mo lang na hindi ikaw ang tipo ng lalaki na mahilig paglaruan ang mga babae. Napatunayan mong mali ang iniisip ng mga tao sa 'yo. Akala ko nga noon tama sila kaya ang tagal kitang sinagot. Pero nang naging tayo na, it's all worth it. Iba ka pala sa inaakala namin. Sad to say, nagpadala ako sa matinding selos. Mas pinili ko ang selos kaysa sa 'yo, hindi mo lang alam kung gaano ko 'yon pinagsisihan ngayon," mahabang sabi ni Patricia na patuloy lamang sa pag-iyak.

Niyakap ni Teolo ang dalaga at hinagod ang likuran nito. "Shhh... wala kang dapat pagsisihan, Patricia. May rason kung bakit nangyayari ang lahat. At kung gugustuhin ko mang muling magmahal, ikaw pa rin ang gusto ko, Patricia. Pero sa ngayon, wala e, I know the love is still there, hindi ko lang siguro maramdaman sa ngayon dahil naging manhid ang puso ko noong iniwan mo ako," madamdamin niyang pahayag.

"Teolo, I can wait. At kung sakaling hindi nga maging tayo sa bandang huli, magiging masaya pa rin ako, kasi minsan sa buhay ko naging parte ka ng pagtibok ng aking puso."

Napaluha si Teolo sa mga sinabi ni Patricia. Ang babaeng kayakap niya nang mga sandaling iyon ang totoong nagpabago sa kanya. Napapikit siya at napadasal.

------

Malapit na ang katapusan hehe abangan...