Friday, November 17, 2017

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 18



"A PENNY for your thoughts."

Napatingin si Sarah sa nagsalita. Isang nakangiting lalaki ang bumungad sa kanya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa isang bridge. Alas otso na ng gabi no'n. Hindi niya alam kung bakit basta doon siya dinala ng kanyang mga paa. Ayaw pa kasi niyang umuwi.

Nginitian lamang niya ang lalaking iyon at muling napatingin sa malayo. She didn't know exactly what she's looking for.

"Ano'ng ginagawa mo ritong mag-isa, miss?" tanong ng lalaki.

"I don't know," she quickly replied.

Napakunot-noo ang lalaki. "By the way I'm Simonscott, but call me Simon," pakilala nito.

Napatingin siya ulit sa lalaki na kasalukuyan ng nakalahad ang kanang kamay para makipagdaupang-palad sa kanya.

Napatingin siya sa mukha ng lalaki kapagkuwa'y tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. "Sarah," pakilala niya.

"Okay, Sarah. Huwag kang ma-offend ha, akala ko talaga kanina tatalon ka e kaya nilapitan kita rito," ani Simonscott.

Ngumiti siya. "Actually, 'yan talaga plano ko e," aniya.

"Really? But why?" maang nitong tanong.

"Ayoko na kasi e. I'm so tired."

Napabuntong-hininga si Simonscott. "Masaya ang mabuhay, Sarah, kung tatanggapin lang natin na parte talaga ng buhay ang mga problema. Tawanan mo na lang ang mga 'yon at mapapanatag na ulit ang kalooban mo. Bakit ano'ng problema mo?" Simonscott said.

"Huwag mo na lang alamin," she said at muling tumingin sa malayo.

Nagkibit-balikat si Simonscott. "Tagasaan ka pala?"

"Somewhere in Makati."

"Really? I'm also living in Makati," nakangiting sabi ni Simonscott.

"Baka makita ka ng girlfriend mo."

"Wala na akong girlfriend sa ngayon, Sarah."

Ngumiti siya rito. Aminado siyang gwapo ang lalaking kaharap. "What's your name again?" tanong niya.

"Simonscott but call me Simon since it's my nickname," tugon ni Simon.

"Okay, Simon. Baka may pupuntahan ka pa."

"Tinataboy mo na ako?" dismayadong tanong nito.

"Hmmm... nope. Bakit wala ka bang pupuntahan?"

"Wala naman. Pero kung may gusto kang puntahan, puwede kitang samahan," seryosong sabi nito. Titig na titig ito sa kanya.

"Talaga?"

"Yep."

"How about if sabihin ko sa 'yong gusto kong tumalon dito, sasama ka?" she asked.

Napatingin sa ibaba si Simonscott kapagkuwa'y napatingin naman sa kanya. "Kung kasingganda mo ba ang sasamahan kong tumalon diyan, why not?" nakangiting tugon ni Simonscott.

Napatawa siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pero parang kinikilig siya nang mga sandaling iyon.

"Talaga lang ha, so are you ready?" aniyang biglang hinawakan ang kanang kamay nito.

Nagkatitigan sila at kapwa natigilan. Biglang parang kinuryente si Sarah nang mahawakan ang kamay ni Simonscott.

*****

DAHAN-DAHANG binuksan ni Mau ang pintuan ng kanilang bahay. Naisipan na niyang umuwi. Hindi niya alam kung bakit pero talagang namimiss na niya ang kanyang kabiyak na si Hiechan. She realized na hindi pala niya kayang maghiwalay silang dalawa.

"Hon?" tawag niya nang makapasok ng bahay. "Hon!"

Pero walang sumagot. Dumiretso siya sa kanilang kwarto. She checked their closet. Tumulo ang mga luha niya nang makitang kunti na lamang ang mga damit ni Hiechan doon.

Tumayo siya at laylay ang mga balikat na naupo sa kama. May nakita siyang kapiraso ng papel sa bedside table. Kinuha niya iyon. Sulat mula kay Hiechan.

"Hon, sana mapatawad mo pa ako. Basta ito lang ang masasabi ko sa 'yo, mahal na mahal kita, hon. Again I'm really sorry at naging marupok ako. Nagpadala ako sa init ng puson, hon. Pero tandaan mo palagi na sa 'yo lang ang puso ko. Nirerespeto ko ang desisyon mong hiwalayan ako. Pero, hon, pangako, ikaw lang ang una't huling babae na mamahalin ko. Sana balang araw, gumawa ng paraan si God na muling magtagpo ang mga puso natin. Alam kong galit ka pero aminin mo, mahal na mahal mo pa rin ako 'di ba? Mag-ingat ka palagi. I love you so much."

Napahagulgol si Mau matapos basahin ang sulat ni Hiechan. Hinalikan niya iyon at kapagkuwa'y itinapat sa kanyang dibdib.

"Mahal na mahal pa rin kita, hon," humihikbi niyang sabi.

*****

"ROD, bakla ka ba?" tanong ni Hiechan nang hindi pa rin sumasagot ang kapatid sa kanyang katanungan kanina.

"Oo, kuya," ani Rod na halos hindi lumabas ang boses. Agad itong napaiyak. Napayuko ito at umuuga na ang balikat.

Mga ilang sandali ring tila na-magnet si Hiechan sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya nang mga sandaling iyon.

"Bakit hindi mo agad sinabi, Rod?" tanong niya.

"Kuya, takot akong baka hindi niyo ako matanggap e," sagot ni Rod.

Lumapit siya sa kapatid at umupo sa tabi nito. Hinagod niya ito sa likuran. "Sana noon mo pa sinabi e, alam kong mahirap ang magtago, sana kahit sa akin man lang inamin mo. Magkapatid tayo 'di ba? Buddy mo ako 'di ba?"

Gumaan naman ang kalooban ni Rod sa narinig. "Sorry, kuya. Pinangunahan lang talaga ako ng matinding takot. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction mo kapag nalaman mo ang tungkol sa kabaklaan ko."

Sandali silang natahimik na ani mo'y may dumaang Anghel.

"Pero alam mo, Rod, believe ako sa 'yo. Kasi hindi ka talaga napaghahalataang bading e. Paano mo nagawa 'yon ha? Ang iba kasi kahit anong gawing pagpapalaki ng katawan, halata pa rin e," mayamaya ay natatawang sabi ni Hiechan.

Napatawa si Rod. "Idol kasi kita, kuya, e. Kaya pati galaw mo kuhang-kuha ko," aniyang nagpahid ng basang mga pisngi.

"Hindi mo ba sinubukan ang sarili mong mangbabae? Alam mo na, baka babae lang ang solusyon, Rod, para maging isang tunay kang lalaki."

"Sinubukan, kuya, pero wala talaga e. It's not working. Kahit ano'ng gawin ko wala talaga akong nararamdaman sa kanila."

"Kahit hubo't hubad na sila sa harapan mo, wala talaga? Hindi tumatayo si manoy?" nakangiting tanong ni Hiechan.

"Ganoon na nga, kuya," nahihiyang tugon ni Rod.

"So, ilang lalaki na ang dinala mo rito?"

Napakunot ang noo ni Rod sa kanyang katanungan. "Ibang tanong na lang, kuya," sabi nito. Nahihiya kasi itong pag-usapan ang tungkol doon.

Tumawa siya sa naging reaction ni Rod. "Baka pati ako, pinagnanasaan mo ha," nanunukso niyang sabi sabay tawa.

Napatingin lamang si Rod sa kanya. Hindi nakapagsalita.

"Oh bakit, Rod? Bakit hindi mo masagot ah?" patuloy niyang panunukso rito. Nakita niyang namumula na ang mukha ng kanyang kapatid.

Tumayo siya at tawa pa rin ng tawa.

"Kuya, how about if sabihin ko sa 'yong oo, pinagnanasaan nga kita."

Napalingon si Hiechan sa sinabi ng nakakabatang kapatid. Bigla siyang na-conscious sa kanyang ayos. Naka-boxer lamang kasi siya.

Nalito siya. Ano ba dapat niyang isagot sa kapatid? Biro lang naman ang sa kanya. Paano kung seryoso ang sagot ni Rod?

---

To be continued...