Monday, October 9, 2017

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 4


BINITAWAN naman ni Nelvin sina Jocee at JD.

"Simon..." humihikbing lumapit si Jocee kay Simonscott at agad na yumakap sa binata.

"Bro, pasensya ka na," ani Nelvin.

"Okay lang, Bro, 'di mo naman sila kilala e," nakangiting sabi ni Simonscott.

Lumapit si JD kay Simonscott at yumakap din.

"Simon, I'm so scared... I'm so scared..." umiiyak pa ring sabi ni Jocee.

"Me too, Simon... akala ko mamamatay na talaga ako," pahikbi-hikbing sabi ni JD.

"That's enough. Okay na," pang-aalo naman ni Simonscott sa dalawang bakla. Hinimas-himas pa ang mga likod.

Parehong umiiyak sa balikat ni Simonscott sina Jocee at JD.

"Bro, mga kaibigan ko pala sila at mga classmate ko rin," mayamaya'y sabi ni Simonscott kay Nelvin.

"Okay, Bro, pasensiya na ulit. Ayoko lang kasi ng tinititigan ako saka hindi ko naman alam na mga bakla pala sila, mas lalaki pa kasi sila tingnan kaysa sa Lolo ko," nakangiting sabi ni Nelvin.

Natawa naman si Simonscott sa sinabi nito. Napakalas naman agad sina Jocee at JD mula sa pagkakayakap kay Simonscott.

"Hello... may mga lalaki bang naglalagay ng pressed powder at lipstick?" sarkastikong tanong ni Jocee kay Nelvin na nameywang pa.

"Oo nga, ang sabihin mo, bad guy ka talaga!" ani JD na nameywang din at nakataas ang kanang kilay.

"Sorry na, Girls. Hindi lang kasi ako sanay na tinititigan gaya ng ginawa niyo kanina," nakangiti pa ring sabi ni Nelvin.

"Baka naman type ka nila, Bro!" panunudyo ni Simonscott.

Natawa lamang si Nelvin. Napakamot ito ng ulo at hindi nakaligtas sa mga mata nina Jocee at JD ang mabuhok nitong kilikili. Kapwa napakagat-labi ang dalawa. Pareho silang natuyuan ng laway.

*****

"TEOLO!"

Napalingon si Teolo sa tumatawag. It was his ex-girlfriend Sarah. Wala siya sa mood na pansinin ito. Naupo lamang siya sa gilid ng swimming pool, kakaahon lang niya.

Mag-isa lamang si Teolo sa mansion nila ng araw na iyon. Ang mga kasambahay ay pinag-day-off niya. Every Saturday kasi, gusto niyang masolo ang kanilang pamamahay. Nag-iisa siyang anak. Ang Mommy Mheryl at Daddy Jason niya ay parehong nasa Canada nagtatrabaho. Matagal ng nagtatrabaho doon ang kanyang Daddy hanggang sa naisipan na rin ng kanyang Mommy na sumunod, two years ago. Nakakasama lamang niya ang mga ito every Christmas and new year.

Lumapit si Sarah sa kinaroroonan niya at naupo sa kalapit na bench.

"What are you doing here?" he asked. Hindi man lamang niya ito tiningnan.

"I'm just visiting you, miss na kasi kita e," tugon ni Sarah na halatang na-offend sa tanong na iyon ni Teolo.

Tumayo si Teolo. He was just wearing a brief. Bakat na bakat ang pagkalalaki niya sa harap. Napuno naman ng pagnanasa ang mga mata ni Sarah habang nakatitig sa mala-Adones na binata.

"Teolo, 'di mo ba ako namimiss?" Sarah asked.

Umupo si Teolo sa bench kalapit ng kay Sarah.

"Hindi," prangka at diretso niyang sagot sa dalaga. Dinampot niya ang beer sa kalapit na maliit na mesa. Tinungga agad niya iyon.

Napaawang naman ang mga labi ni Sarah sa narinig. Rumihestro agad sa mukha nito ang sakit.

"Teolo, I still love you," ani Sarah.

Napatingin si Teolo kay Sarah. Aminado siyang sobrang ganda nga ng dating kasintahan pero wala na talaga siyang nararamdaman para rito. Minsan ay nahuli niya kasing nakipaghalikan ito sa isa sa mga kaibigan niyang model din kaya hiniwalayan niya agad ito.

"Sarah, please... tapos na tayo okay," mariin niyang sabi na dinampot ang sigarilyo at lighter sa mesa pagkuwa'y nagsindi.

"Teolo, give me a chance. Two years, Teolo. Matagal din iyon. I think I deserve a chance from you," gumagaralgal na ang boses ni Sarah.

"Sana naisip mo ang consequences ng ginawa mo bago ka nakipaglandian sa kaibigan ko pa mismo, Sarah," aniya. Humitit siya at sabay buga ng usok.

"Teolo, it will never happen again, I promise. Just give me a chance, baby," ani Sarah na tuluyan ng pumatak ang mga luha.

Lumapit si Sarah kay Teolo at akmang yayakap pero biglang tumayo si Teolo at bahagyang itinulak ang dalaga para hindi ito makayakap sa kanya.

"Sarah, leave me alone. I don't love you anymore," aniyang may galit na sa boses.

"I'm willing to do anything, Teolo. Makipagbalikan ka lang sa 'kin," humagulgol ng sabi ni Sarah.

"Hindi mo ba ako naiintindihan, Sarah? Hindi na kita mahal!"

"May bago na ba?"

Napatingin sa pool si Teolo. Sa totoo lang ay may bago ng nagpapatibok ng puso niya ngayon. Si Patricia. Classmate niya sa pinapasukang university.

Agad siyang na-in love kay Patricia dahil bukod sa maganda ay napakatalino pa. She's the perfect girl for him. Isa pa sa nagugustuhan niya ay ang pagiging mahinhin nito.

Kulang kasi talaga ang respect niya sa mga babaeng liberated. Hindi nga niya alam kung bakit napaibig siya noon ni Sarah e napaka-liberated nito. Naging challenge rin sa kanya ang panliligaw kay Patricia.
He's aware kung gaano karaming babae na naghahabol sa kanya pero iba si Patricia. Almost six months bago niya ito napasagot.

Napatingin siya kay Sarah. Humihikbi na ito ngayon.

"Oo, meron na," he muttered.

Napanganga si Sarah. Wari hindi nito matanggap ang narinig mula sa kanya.

"Kaya makakaalis ka na, Sarah," he said. Nasaktan siya sa kataksilan nito pero baliwala na lamang ito sa kanya ngayon. Tuluyan na siyang nakapag-move on at para sa kanya ay isang bangungot lamang si Sarah.

"Teolo, mahal na mahal pa rin kita, h'wag mo namang gawin sa 'kin ito," nagmamakaawang sabi ni Sarah.

"Puwede ba Sarah! Tigilan mo na ako sa kakadrama mo! I don't have time for this nonsense!" bulyaw niya rito.

Biglang lumapit si Sarah sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Pinaghahalikan siya nito sa bandang leeg.

"Teolo, I can be your sex slave, just stay with me please, I'm begging you..." ani Sarah na patuloy siyang pinaghahalikan sa leeg at sa dibdib.
Naramdaman din niya ang kamay nito na pumasok na sa loob ng kanyang brief. She's now playing with his flaccid state dick.

Napapikit si Teolo sa ginagawa ni Sarah. Nagtatalo ang utak at puso niya nang mga sandaling iyon. Unti-unti siyang nag-iinit hanggang sa nadarang na siya sa kapusukan ng dating kasintahan.

Tuluyan ng nabuhay ang kanyang pagkalalaki. Napapasinghap pa siya ng hangin sa tindi ng sensasyong nararamdaman.

Bigla siyang siniil ng halik ni Sarah sa mga labi. Agad naman siyang tumugon. Naglaro ang kanilang mga labi at dila. Patuloy pa rin si Sarah sa paglalaro ng napakatigas ng alaga ni Teolo.

"What the hell is going on?"

Kapwa natigilan sina Teolo at Sarah dahil sa nagsalita.

"Patricia..." sambit ni Teolo sa pangalan ng kasintahan.

Nakaawang ang mga labi ni Patricia habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Sarah. Hanggang sa napaiyak na ito.

Agad na hinawakan ni Teolo ang kamay ni Sarah na nakahawak pa rin sa kanyang matigas na pagkalalaki. Nabitawan naman iyon ni Sarah.

"How dare you do this to me, Teolo!" asik ni Patricia at tumalikod ito sabay takbo ng mabilis.

"Patricia, wait!" tawag ni Teolo sa kasintahan.

Itinulak niya si Sarah pero niyakap siya nito ulit.

"Teolo, hayaan mo siya, I'm here, baby, kaya kitang paligayahin," ani Sarah.

Itinulak ito ulit ni Teolo. "Kapag hiniwalayan ako ni Patricia, hinding-hindi kita mapapatawad, Sarah!" bulyaw niya rito.

Tumakbo na siya para mahabol pa si Patricia, ang bagong babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.


----

To be continued...