Friday, October 6, 2017

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 3


"GUESS who, ugly girls, kung sino ang nakausap ko kanina sa tindahan ni Aling Mau," kinikilig na wika ni Billie.

Nagsitaasan naman agad ang mga kilay nina Jocee at Rhone. Kasalukuyan na silang naghahapunan nun.

"Ugly girls talaga ha?" ani Rhone na bahagyang natawa.

"Hahaysss... isn't it ironic, Rhone? Look who's talking," ani Jocee na napahagikhik.

Nag-high five pa ang dalawa.

"Tumigil na nga kayo, basta ako lang ang maganda sa 'ting tatlo, okay? You have to accept that fuck, I mean fact!" ani Billie na mas mataas pa ang kilay sa dalawa.

"Whatever!" Rhone said.

"Oo na... ikaw na ang maganda, Billie, good daughter ka talaga, naniniwala ka agad sa Mama mo," ani Jocee.

Sabay na natawa ang dalawa kaya nagsalubong naman agad ang mga kilay ni Billie.

"Well, pagtawanan niyo akong dalawa hangga't gusto niyo, I just want you to know na nakausap ko lang naman kanina si Papa Teolo!" maarteng sabi ni Billie.

Nagkatinginan naman agad sina Jocee at Rhone.

"Weeehhhh... we need evidences," ani Jocee na hindi makapaniwala.

"Tama! Asan ang mga ebidensiya ng kaduda-dudang chika na 'yan?" tanong ni Rhone na hindi rin makapaniwala.

"Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala basta nagkita kami kanina ni Teolo. OMG! Ang gwapo niya talaga, ang macho macho at kahit pawisan, ang bango bango pa rin," kinikilig na namang sabi ni Billie.

"Hay naku, Billie, as long as there's no evidence, hinding-hindi kami maniniwala," Jocee said.

"Yeah... wala man lang bang pictures? Kasi kung ako ang nakakita sa kanya, 'yun talaga ang una kong gagawin e. Magpapa-picture agad ako," Rhone said.

"Kaya nga, it's really impossible na hindi ka man lang nagpa-picture with him," ani Jocee.

"Hay naku, nawala 'yun sa isip ko nang makita ko siya kanina, napahiya nga ako kasi natulala ako. I just can't believe na nakita ko nga siya at nakausap pa."

"Duh... itulog mo na lang 'yan, Billie. Kahit anong gawin mo diyan, there's no way na maiinggit kami," ani Rhone.

"Tama! Kaya mas mabuti pang isulat mo na lang sa wattpad 'yang ilusyon mo na 'yan, baka may maniwala pa sa 'yo," ani Jocee.

"Putang ina pala kayo e," naiinis na sabi ni Billie sa dalawa.

"Okay lang kung puta kami atleast maganda naman," ani Jocee.

"Tama! Kami lang ang maganda, Billie. Tanggapin mo na lang," sabi naman ni Rhone.

"Ah talaga?" sabi ni Billie kapagkuwa'y itinuloy ang pagkain.

"Talaga!" halos sabay na sabi nina Rhone at Jocee.

"Pwesss... sana mabilaukan ang mga pangit sa mundo!" galit na sabi ni Billie.

Biglang sumikip ang dibdib ni Billie. Nahirapan siyang huminga.

"Tu-tubig..." nahihirapang sabi niya sabay ubo.

Agad namang lumapit si Rhone kay Billie.

"Shit! Jocee, kumuha ka ng tubig, dali! Nabilaukan si Billie!" natatarantang sabi ni Rhone.

*****

KINABUKASAN, paggising ni Jocee ay wala na sina Rhone at Billie. Alas otso ang first subject ng dalawa, sa kanya naman ay alas diyes pa.

Papungas-pungas siyang bumangon at tumayo sa kama. Napatingin siya sa wall clock, alas nuwebe pa pala.

He took the towel behind the door at lumabas na ng kwarto. Dumiretso siya sa bathroom na kalapit lamang ng kitchen and dining room. Naligo agad siya.

"I'm gonna marry, the night..." Pakanta-kanta pa siya habang nagsasabon ng katawan.

Kasalukuyan na niyang sinasabon ang kanyang pagkalalaki este pagkabakla nang biglang pumasok sa isipan niya si Teolo.

He closed his eyes at in-imagine na ang pagkalalaki ni Teolo ang kanyang sinasabon. Bigla niyang naramdaman ang paggising ng kanyang alaga. Tumigas iyon at lumaki.

Patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata at napa-aahhhh nang biglang makaramdam siya ng matinding sarap. He had an orgasm.

"Shit!"

Kinilabutan siya sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwalang magagawa na niyang mag-masturbate.

"OMG! Para sa mga lalaki lang dapat e, bakit nagawa ko 'to sa sarili ko?" naiiyak niyang sabi sa sarili.

Pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na. Nag-promise siya na hinding-hindi na niya gagawin iyon.

"Bwesit ka, Teolo!" mura pa niya. Nadala kasi siya ng kalibogan kaka-imagine kay Teolo. Nandidiri tuloy siya sa kanyang sarili.

********

"MARENG JD! Mareng JD!" tawag ni Jocee sa matalik na kaibigan na noon ay palabas na ng pamantasan.

Tumigil naman si JD at lumingon sa kanya. Ngumiti ito.

"Sabay na tayo," ani Jocee nang makalapit dito.

Alas singko na ng hapon nun at uwian na.

"Tara-lets!" nakangiti namang sabi ni JD.

Naglalakad na sila papunta sa sakayan ng tricycle nang biglang may napansin si JD na isang poging lalaki sa may bilyaran kaya napatigil sila sa paglalakad.

"OMG! Mare, look... ang pogi niya," ani JD na itinuro ang lalaking nakatayo sa may bilyaran habang naninigarilyo.

Napatingin din agad si Jocee sa lalaking iyon. Namilog din ang kanyang mga mata. Tantiya niya ay nasa 5'10 ang height ng lalaking iyon, medium built lang ang pangangatawan, Moreno at mushroom ang hairstyle, 'yung tipong bad boy looking.

"Mare, he's goddamn hot!" halos patili na niyang sabi.

"Mare, nakatingin siya sa 'kin," kinikilig na sabi ni JD.

"No, Mare, sa 'kin siya nakatingin oh."

Para na silang kinakagat ng langgam sa mga singit sa sobrang kilig. Nakita nilang itinapon na ng lalaking iyon ang upos ng sigarilyo at naglakad papunta sa direksiyon nila.

"Shit, Mare, palapit siya sa 'tin! What are we going to do?" natatarantang sabi ni JD.

"Mare, ilabas ang pressed powder at lipstick, we have to retouch now, hurry up!" natataranta na ring sabi ni Jocee.

Agad namang kinuha ni JD sa bulsa ng bag ang pressed powder at lipstick. Nag-retouch nga silang dalawa.

"OMG! Mare, he's here..." ani JD.

Nakalapit na nga sa kanila ang poging lalaki. Todo pa-cute naman silang dalawa.

"Mga Tol! Ano bang problema niyo? Kanina ko pa kayo napapansin na tinitingnan ako ah. Anong gusto niyo suntukan?" galit na bulyaw sa kanila ng lalaki sabay hawak sa mga kwelyo nilang dalawa. "Ano lalaban kayo ha? Ang sama niyo makatingin ah."

Nagpupumiglas naman agad silang dalawa.

"Kuya, tama na, mali ang iniisip mo," naiiyak na sabi ni Jocee. Nagmura siya sa kanyang isipan, "Putang ina! Napagkamalan pa kaming mga lalaki!"

"Kuya, maawa ka please... let go of me!" pakiusap naman ni JD.

Pero hindi pa rin sila binibitawan ng poging lalaki. "Mga gago pala kayo e, kanina lang ang sama niyo makatitig tapos ngayon magmamakaawa kayo?" singhal nito sa kanila.

"Bro, Nelvin! Bitiwan mo sila. I know them..."

Napalingon silang tatlo sa umawat.

"Simonscott..." Halos sabay na sabi nina Jocee at JD.

----

To be continued...