Friday, December 1, 2017

True Confessions: Unang Tikim (M2M) Part 6


NAPANGANGA ako sa nasaksihan. Nakaluhod si Ryan sa harap ni Rico. Hawak naman ni Rico ang ulo ng aking matalik na kaibigan at itinaas-baba iyon sa kandungan niya. Panay rin ang ungol niya nang mga sandaling iyon. Hindi ko man nakikitang nasa bibig ni Ryan ang pagkalalaki niya, alam kong chinuchupa siya nito.

Nasaktan ako. Ramdam ko ang kirot sa loob ng aking dibdib. Bakit nga ba hindi? Sa pangalawang pagkakataon, may baklang gumagamit kay Rico sa mismong harapan ko. Ang lalaking crush ko. Ang lalaking pinapangarap ko.

"Shit! Putang ina mo, Ryan, ang galing mo chumupa... ahhh..."

Parang mga kutsilyo sa pandinig ko ang mga sinasabi ni Rico. Sinasaksak ng mga 'yon ang puso ko. Hindi ko na kinaya pa ang tagpong iyon kaya bumalik ako sa CR. Umupo ako sa sahig at umiyak ako nang umiyak sa may kubeta. May sumibol na poot sa dibdib ko noon para sa kanilang dalawa. Lalo na kay Ryan. Pero kailangan ko ba talagang magalit dahil sa nangyari? 'Di ba walang nakakaalam na may gusto pala ako kay Rico? 'Di ba isang lihim lang ang lahat?

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa loob ng CR. May narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ako tumugon. Nagkunwari akong natutulog.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Dindo, ano'ng ginagawa mo riyan?"

Si Rico. Pero hindi ako tumugon. Pinanindigan kong natutulog ako nang mga sandaling iyon.

"Dindo, lasing na lasing ka na yata, ah," muling sabi ni Rico.

Hindi pa rin ako tumugon. Narinig ko ang pag-ihi niya sa sahig. Sumibol ang kaba sa dibdib ko.

"Ang kaibigan mo, oh. Lasing na lasing na. Nakatulog na sa kubeta. Gisingin mo, Ryan."

Narinig kong sabi ni Rico. Mas lalo akong kinabahan.

"Hayaan mo muna siyang matulog. Bitin pa ako Rico, e. Pachupa ulit," malanding sabi ni Ryan.

Natawa si Rico. "Ang takaw mo sa burat, ah. H'wag mong hawakan 'di pa ako tapos umihi, e," sabi niya.

"Sige na, Rico. Ang tigas pa nito, oh..."

Tumulo ang mga luha ko. Ang sakit talaga. Ang sakit-sakit! Parang gusto ko na silang palayasin no'n.

"Patapusin mo muna akong umihi."

"Dito mo na sa bibig ko tapusin ang pag-ihi mo..."

"Ah... shit!" ungol ni Rico.

Alam kong chinuchupa na naman siya no'n ni Ryan. Ilang sandali pa ay napuno na ng mga ungol ni Rico ang bawat sulok ng CR na iyon. Dinig na dinig ko rin ang tunog nang ginagawang pagchupa ng matalik kong kaibigan.

"Bilisan mo pa malapit na akong labasan, Ryan... ang sarap mo talagang chumupa... ohhh..."

Mayamaya pa ay napaungol nang mahaba si Rico. Alam kong muli na naman siyang nadala ni Ryan sa langit. Grabe na talaga ang pagseselos ko nang mga oras na 'yon.

"Tama na 'yan..." natatawang sabi ni Rico.

"Ang sarap mo talaga, papa Rico. Bakit ngayon lang 'to nangyari?" sabi ni Ryan.

Tumawa lang si Rico. "Gisingin na natin si Dindo. Kawawa naman, oh," mayamaya ay sabi niya. CONTINUE READING...

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 20



"KAWAWA naman ang kapitbahay natin, naaksidente ang asawa niya kanina," sabi ni Billie.

"Sino?" tanong ni Rhone.

"Si Papa Hiechan, nakita ko kanina karga-karga ang asawa niyang si Aling Mau. Nahulog daw sa hagdan. Ewan kung aabot pa ba 'yon sa hospital."

"What? Sabihin mong nagbibiro ka lang, Billie. Sabihin mo!" ani Rhone na nagdramang hindi makapaniwala sa binalita ni Billie.

Isang hampas ng sandok ang pinatikim ni Billie kay Rhone sa ulo.

"Aray!" daing ni Rhone.

"Putang ina ka e, eksaherada ka masyado!" inis na sabi ni Billie.

"Paano naman kasi, alam mo namang wala akong pakialam sa mga kapitbahay natin tapos babalitaan mo ako ng ganyan," ani Rhone na hinahagod ang ulong natamaan ng sandok.

"Kapitbahay pa rin natin 'yon, gaga!"

"Whatever!" iritadong sabi ni Rhone.

"Come here, mga bakla, bilis!" tawag ni Jocee sa kanilang dalawa. Kasalukuyang abala sina Rhone at Billie sa niluluto sa kusina. Hindi kasi tumutulong si Jocee at nanonood lang ng TV sa sala.

Agad namang tumalima ang dalawa at nagpunta agad sa sala.

"Bakit, bakla?" Rhone asked.

"May interview si Papa Teolo, susunod na," excited na tugon naman ni Jocee.

"Talaga?" natutuwang sabi ni Billie na kaagad umupo sa sofa katabi ni Jocee. Pati si Rhone ay umupo na rin. Napapagitnaan na nila si Jocee.

Ilang commercials lang ay nag-umpisa na ang showbiz talk show.

"Alam kong kanina niyo pa inaabangan ang isa sa most-sought bachelors ng bansa natin ngayon, ang nag-iisa at walang iba kundi si Teolo," anang baklang host.

Agad namang nagsigawan sina Jocee, Rhone at Billie kasabay ng mga nagsisigawan ding audience sa naturang showbiz talk show.

Ilang sandali lang ay lumabas na nga si Teolo mula sa likod ng stage. Ang prominent na ngiti nito ay naka-display sa napakagwapong mukha.

"Shit! Ang pogi talaga ng baby ko!" sigaw ni Billie.

Kaagad namang nagtaasan ang kilay nina Rhone at Jocee pero mas pinili na lamang na manahimik at hindi na kinontra pa si Billie para iwas gulo na.

"Hi, Teolo. Welcome to Thirty-minutes with Bam Andy," nakangiting bati ng baklang host.

"Hello po, tita Bam," tugon naman ni Teolo at agad na nakipagbeso-beso sa baklang host.

Nagbiro naman si Bam Andy at kunwa'y tumaas ang kilay nito na ani mo'y iniinggit ang mga nagsisigawang babae at bakla sa audience.

"Ang swerte ng puta!" ani Jocee na ang tinutukoy ay ang baklang host.

Umupo na si Teolo kaharap ng upuan ni Bam Andy. Ifinocus sa camera ang mukha ng binata at halos nangisay na ang lahat ng ngumiti ito at kumindat pa.

"Hoy! Tama na 'yan! Kayo ha, baka naiihi na kayo diyan sa sobrang kilig," anang baklang host na sinabayan ng tawa.

Tumawa rin si Teolo. "Sobra naman 'yon," anito.

"Ang pogi talaga ni papa Teolo," ani Rhone na sobrang kinikilig.

"Oo na pogi na, manahimik na kayo," iritadong sabi ni Billie.

Agad naman silang nanahimik at nag-concentrate na sa panonood.

"Before anything else, maraming-maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa interview na 'to, Teolo. As we all know, bihira ka lang talagang tumanggap ng mga ganitong interview, and I'm so lucky at hindi mo talaga tinanggihan ang invitation ko ngayon," sabi ni Bam Andy.

"You're welcome, tita Bam. Perfect timing din kasi ito para sa importanteng sasabihin ko ngayong gabi," Teolo said na biglang rumihestro sa mukha ang pagkaseryoso.

"Nakakaintrega 'yan ha, gaano ba kaimportante 'yan?"

"Basta importante, it's all about me," diretsong sagot ni Teolo.

"Okay, but before that, how's your love life, Teolo?" tanong ni Bam Andy.

Ifinocus ang mukha ni Teolo sa camera. Hindi ito nakasagot pero naghintay pa rin ang lahat. Biglang tumulo ang mga luha nito hanggang sa umiyak na nga ng tuluyan.

Nagsigawan naman agad ang mga audience pati sina Rhone, Jocee at Billie.

"Papa Teolo, don't cry for me," ani Rhone.

"Ang kapal ah," ani Jocee.

"Mga putang ina manahimik nga kayo," ani Billie na biglang napahikbi.

Automatic namang napatingin sina Rhone at Jocee kay Billie. Halata sa mukha ng dalawa na naumay sa pag-iyak nito.

"Teolo, bakit?" nag-aalalang tanong ni Bam Andy.

Napapahid ng mga luha si Teolo at nagpilit na ngumiti. "Ayoko ng patagalin pa, tita Bam. Kagabi ko lang talaga kinilala ng husto ang sarili ko. I realized na wala pala sa mga naging girlfriend ko ang problema, nasa akin at-" muli itong napahikbi, patuloy sa pagtulo ang mga luha, "matanggap niyo man ako o hindi, pero gusto ko lang na magpakatotoo sa inyong lahat-"

"Go on, Teolo, kaya mo 'yan," Bam Andy said.

Humugot ng malalim na paghinga si Teolo. Ifinocus muli ang camera sa mukhang kinababaliwan ng halos lahat ng kababaehan at kabaklaan. "I'm gay!" anitong napayuko.

*****

MGA dalawang oras na ring naghihintay at hindi mapakali si Hiechan sa labas ng hospital. Nakaubos na siya ng dalawang bote ng softdrinks pero uhaw na uhaw pa rin ang kanyang pakiramdam. Pinagpapawisan din siya ng malamig. Iyak pa rin siya ng iyak.

Agad siyang tumayo nang makita si Piasha. Pagtayo niya ay biglang nahulog ang dalawang bote ng softdrinks na ininom niya kanina. Nabasag ang mga iyon.

Napatitig saglit si Hiechan sa basag na mga bote at biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. Pumikit siya at iniwasang mag-isip ng masama.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Piasha sa kanya.

Mabilis na niyakap ni Hiechan ang matalik na kaibigan ng kanyang kabiyak. Umiyak siya ng umiyak sa balikat nito.

"Hiechan, kamusta na si Mau?" lumuluhang tanong ulit ni Piasha na hinahagod ang kanyang likuran.

"Sabi ng doctor nagkaroon ng malaking pinsala sa loob ng ulo niya. Nasa operating room pa siya hanggang ngayon," umiiyak na sabi ni Hiechan.

"Diyos ko!" ang tanging nasabi ni Piasha.

Pareho silang nag-iyakan at kumukuha ng lakas sa isa't isa. Ilang sandali rin iyon bago nila naisipang pumasok na sa loob ng hospital. Ikinuwento ni Hiechan ang lahat ng nangyari habang naglalakad sila papasok.

May tumigil na ambulance sa tapat nila. Napatigil sa paglalakad si Hiechan. Gusto sana niyang makita ang pasyente pero nasa kabilang pinto idinaan kaya hindi na niya nakita.

Tuloy-tuloy na silang dalawa ni Piasha na pumasok sa loob.

"Hiechan?"

Napalingon si Hiechan sa tumawag sa kanya. Si Rica. Ang matalik na kaibigan ni Rod. Nasa mukha nito ang labis na pagkataranta. Lumapit ito sa kanya.

"Rica, bakit?" tanong niya.

"Hiechan, si Rod-"

"Bakit ano'ng nangyari sa kapatid ko?" Kaagad siyang kinabahan.

"Siya ang isinugod ko ngayon dito sa hospital. Nakita ko kanina sa kwarto niyang wala ng malay at bumubula ang bibig. Ininom niya ang lahat ng sleeping pills."

Parang tinamaan ng kidlat si Hiechan sa narinig. "Hindi! Hindi! Bakit gagawin ng kapatid ko 'yon?" ang umiiyak niyang tanong kay Rica.

"Hindi ko alam," humihikbing tugon nito.

Nakaramdam ng matinding panghihina si Hiechan. Napasandal siya sa dingding at dahan-dahang umupo sa sahig. Inilagay niya sa gitna ng mga tuhod ang kanyang ulo at mahigpit na niyakap ang mga iyon. Humagulgol siya. 


Bigla niyang naisip ang nangyaring pagtatalo nila ni Rod. Alam niyang iyon ang dahilan kaya naisipan nitong mag-suicide.

Sa sobrang bigat at sakit ng kanyang nararamdaman ay napasigaw na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit pinaparusahan siya ng ganoon katindi ng Panginoon. 


Dalawang importanteng tao pa sa buhay niya ang nasa bingit na ngayon ng kamatayan.

---

To be continued....





Saturday, November 18, 2017

True Confessions: Unang Tikim (M2M) Part 5


ARAW ng sabado. Pinapunta ko si Ryan sa amin. Wala kasi noon ang mga magulang ko. Nagpunta ang mga ito sa isang event na hindi ko na inalam kung para saan. Sa susunod na araw pa raw uuwi ang mga ito.

Nag-movie marathon kami at nag-food trip ni Ryan.

“Sis, inoman tayo,” mayamaya ay sabi ni Ryan.

“Hmmm… good idea,” sang-ayon ko naman.

Kaagad kaming lumabas ng bahay at bumili nga ng beer sa tindahan. Isang kahon pa ang binili namin.

“Mauubos kaya natin ‘to?” natatawa ko namang tanong sa kanya.

“Oo naman ‘no. At saka hindi lang naman tayo ang iinom, e,” tugon ni Ryan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano ang ibig mong sabihin, sis?”

“Sis, kokontak tayo ng mga lalaki,” mabilis niyang tugon.

“No!” tutol ko sa kanyang sinabi. “Hindi puwede ‘yang sinasabi mo, sis. Baka manakawan pa kami. Kaya hindi puwede!”

Parang nilamukos na papel ang mukha niya. Akala ko ay igigiit niya ang naisip pero nagkibit-balikat lamang ito. “Okay, sabi mo ,e. Pero uubusin natin ‘to, ha.”

Sabay kaming nagtawanan. Hindi ako sanay sa inoman at alam kong ganoon din si Ryan pero nagkasundo nga kaming maglalasing kami. Total wala naman ang mga magulang ko nang mga panahong iyon.

Kaagad kaming nag-inoman. Nagluto pa kami ng sisig para may pulutan kami. Patuloy pa rin kami sa panonood ng movies noon.

“Sis, parang gusto kong mag-smoke,” sabi ni Ryan.

“Uy, sis, sobra na ‘yan, ha. Hindi ko na kaya ‘yan,” mariin kong tutol.

“Ang KJ mo talaga. Minsan lang naman, e. Trip nga natin ‘to ngayong araw ‘di ba?” giit niya.

Natawa ako sa kanyang sinabi. Naisip kong bakit nga ba hindi ko subukan? Kaya muli nga kaming lumabas ng bahay at bumili ng isang kaha ng sigarilyo.

“Hi, papa Rico!”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Ryan. Napalingon ako at nakita ko nga si Rico. Halatang kakatapos lamang nitong maligo. Nakasandong puti lang at itim na boxer.

“Hello. Pulang-pula ang hasang ninyo, ha,” sabi ni Rico. Ngumiti ito sa akin at parang hinaplos ang puso ko nang mga sandaling iyon. Ang gwapo niya talaga. Pero kaagad din akong umiwas ng tingin kasi naisip ko ang nangyari sa kanila ni Randy.

“Nag-inoman kasi kami. Gusto mong sumali?” tanong ni Ryan.

“Saan ba kayo nag-inoman?”

“Sa kanila.”

“Okay lang. Wala naman akong ginagawa.”

Hinawakan ni Ryan ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. “Sis, makikipag-inoman daw si Rico sa atin,” sabi niya. CONTINUE READING...

Friday, November 17, 2017

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 19


KASALUKUYANG nakahiga na si Piasha at handa ng matulog nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bedside table. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Mau ang tumatawag.

"Sis, tuluyan na akong iniwan ni Hiechan," umiiyak na sabi ni Mau.

Napabuntong-hininga siya. "Sis, bigyan niyo muna ng space ang isa't isa. Doon mo masusukat kung gaano ka kamahal ng asawa mo. Nagawa mo na ang parte mo, umuwi ka na diyan sa bahay niyo. It's time for Hiechan to do his part. Kung mahal ka talaga niya, babalik din siya sa 'yo," aniya.

"Thanks, sis. Sorry lagi na lang kitang inaabala nang dahil sa problema ko ngayon," ani Mau na panay ang hikbi.

"Don't mention it, sis, you know how much I love you. I'm your bestfriend. As what I've said, sino pa ba ang magdadamayan kung hindi tayu-tayo lang 'di ba?"

"Sige, sis, salamat ulit," mahina niyang sabi.

Matapos ibaba ang cellphone ay napangiti si Mau. Tama ang matalik niyang kaibigan at alam niyang mahal na mahal siya ni Hiechan. May tiwala siyang babalik ito sa kanya.

Samantalang gulong-gulo naman ang utak ni Hiechan habang naglalakad sa daan. Hindi niya alam kung paano pa patatawarin ang nakakabatang kapatid na si Rod matapos nitong isiwalat sa kanya ang lahat.

Inamin ni Rod na matagal na nga siyang pinagnanasahan nito. At ang hinding-hindi niya matatanggap ay ang pag-amin nitong ginamit siya nito kagabi. Tuluyan na rin siyang nakalimot kaya hindi niya napigilan ang sarili. Nasuntok niya ito ng maraming beses. Duguan ito ng kanyang iniwan.

"Shit! Bakit niya nagawa sa akin 'to? Magkapatid kami!"

Naisipan na niyang umuwi ng bahay. Ayaw niyang makita si Rod at saka wala naman siyang ibang mauuwian.

Pagdating niya sa bahay ay lumabas ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Bukas kasi ang ilaw ng kanilang kwarto. Nawala ang lahat ng bigat sa kanyang dibdib.

Kaagad siyang kumatok sa pinto. "Hon! Hon!" maluha-luha niyang tawag kay Mau.

Napadilat ng mga mata si Mau. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya kanina. Dinig na dinig niya ang mga katok at tawag sa ibaba.

"Hon! Hon!"

Kinurot niya ang mga pisngi sa pag-aakalang nananaginip lamang siya. Pero hindi iyon panaginip. Totoong nasa ibaba si Hiechan. Nagpaligsahan agad sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Dali-dali siyang bumangon at tumayo sa kama. Napatakbo siya palabas ng kwarto. Hilam na hilam sa luha ang kanyang mga mata.

Patuloy sa pagkatok at pagtawag si Hiechan sa labas. Excited na excited na siyang makita ang kanyang asawa. Bigla siyang nakarinig na may parang nahulog sa hagdanan at napadaing.

Sumilip si Hiechan sa bintana. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Mau sa ibaba ng hagdanan. Ang kanyang asawa pala ang narinig niyang nahulog kanina. Parang sasabog ang kanyang dibdib. Mataas pa naman ang hagdanan at alam niyang labis na nasaktan si Mau.

Dahil siguro sa adrenaline niya sa katawan ay mabilis pa sa roller coaster na sinuntok niya ang glass window. Nabasag iyon at hindi man lamang niya ininda ang sakit. Dumugo ang kanyang mga kamao.

Kaagad siyang umakyat at pumasok sa bintana. Nang makapasok ay halos liparin niya palapit si Mau. Agad niya itong inilagay sa kanyang kandungan.

"Hon... hon... I'm here," tumutulo ang mga luhang wika ni Hiechan. Tinapik-tapik niya sa mukha ang asawa. Duguan ang ulo nito at nakapikit na ang mga mata. "Hon, hold on, dadalhin kita sa hospital..." natataranta na niyang sabi. Wala pa naman siyang alam tungkol sa mga first aid kapag may mga ganitong aksidente na nangyari.

Binuhat niya si Mau palabas ng bahay.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya.

Isang natatarantang bakla ang lumapit sa kanila. "Kuya, wait lang, tatawag ako ng ambulansiya," anitong kinuha agad ang cellphone sa bulsa.

Nagpilit siyang bigyan ng ngiti ang naturang bakla. Hindi niya ito close pero kilala naman niya dahil magkapitbahay nga sila. "Salamat, Billie," sabi niya.

Napaupo siya sa upuan na nakita sa labas ng tindahan. Karga pa rin niya sa kandungan ang kanyang pinakamamahal na kabiyak.

"Hon... I love you so much, nandito lang ako, please huwag kang papatalo," sabi niya kay Mau na ani mo'y lantang gulay na nang mga sandaling iyon. Hinalikan niya ito sa labi. Tumulo pa ang kanyang mga luha sa pisngi nito.

*****

NIYAKAP ni Patricia ng mahigpit si Teolo. "Babe, if that's your decision, sige, tatanggapin ko. Anyways, bata pa naman tayo e, marami pang magbabago, marami pang mangyayari. Ang gusto ko lang sana ngayon, maging magkaibigan tayo," umiiyak na sabi ng dalaga.

Napangiti si Teolo. Bumilieve siya kay Patricia nang mga sandaling iyon. Atleast ginagamit pa rin nito ang utak. Hindi ito gaya ni Sarah na hahamakin ang lahat para maangkin siyang muli. 

Ang pananaw niya kasi pagdating sa love, kung ayaw na ng isang tao sa 'yo, huwag ng ipaggiitan pa ang sarili. Parang sinaktan mo na rin mismo ang sarili kung gano'n. 

Ang relasyon kasi ay para lamang sa mga taong totoong nagmamahalan. Sa side niya ngayon, naguguluhan pa siya sa nararamdaman para kay Patricia. Ayaw niyang umasa ang dalaga lalo na't napakabuting babae nito, kaya siya nakipag-break.

Kumalas siya mula sa mahigpit na pagkakayakap ni Patricia. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at pinahid ang mga luha.

"Tama ka, Pat. Bata pa tayo, hindi pa natin alam ang takbo ng mundo. Malay natin 'di ba, tayo rin palang dalawa ang itinakda para sa isa't isa," nakangiti niyang sabi rito.

Napatango-tango si Patricia. Pero hindi pa rin maitatago ng mga luhang patuloy sa pag-agos mula sa mga mata ang sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon.

"Thanks, Teolo. Atleast nagpakatotoo ka sa sarili mo. Actually, believe nga ako sa ginawa mo ngayon e. Pinapatunayan mo lang na hindi ikaw ang tipo ng lalaki na mahilig paglaruan ang mga babae. Napatunayan mong mali ang iniisip ng mga tao sa 'yo. Akala ko nga noon tama sila kaya ang tagal kitang sinagot. Pero nang naging tayo na, it's all worth it. Iba ka pala sa inaakala namin. Sad to say, nagpadala ako sa matinding selos. Mas pinili ko ang selos kaysa sa 'yo, hindi mo lang alam kung gaano ko 'yon pinagsisihan ngayon," mahabang sabi ni Patricia na patuloy lamang sa pag-iyak.

Niyakap ni Teolo ang dalaga at hinagod ang likuran nito. "Shhh... wala kang dapat pagsisihan, Patricia. May rason kung bakit nangyayari ang lahat. At kung gugustuhin ko mang muling magmahal, ikaw pa rin ang gusto ko, Patricia. Pero sa ngayon, wala e, I know the love is still there, hindi ko lang siguro maramdaman sa ngayon dahil naging manhid ang puso ko noong iniwan mo ako," madamdamin niyang pahayag.

"Teolo, I can wait. At kung sakaling hindi nga maging tayo sa bandang huli, magiging masaya pa rin ako, kasi minsan sa buhay ko naging parte ka ng pagtibok ng aking puso."

Napaluha si Teolo sa mga sinabi ni Patricia. Ang babaeng kayakap niya nang mga sandaling iyon ang totoong nagpabago sa kanya. Napapikit siya at napadasal.

------

Malapit na ang katapusan hehe abangan... 

The Victims Of Love (SPG) - Chapter 18



"A PENNY for your thoughts."

Napatingin si Sarah sa nagsalita. Isang nakangiting lalaki ang bumungad sa kanya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa isang bridge. Alas otso na ng gabi no'n. Hindi niya alam kung bakit basta doon siya dinala ng kanyang mga paa. Ayaw pa kasi niyang umuwi.

Nginitian lamang niya ang lalaking iyon at muling napatingin sa malayo. She didn't know exactly what she's looking for.

"Ano'ng ginagawa mo ritong mag-isa, miss?" tanong ng lalaki.

"I don't know," she quickly replied.

Napakunot-noo ang lalaki. "By the way I'm Simonscott, but call me Simon," pakilala nito.

Napatingin siya ulit sa lalaki na kasalukuyan ng nakalahad ang kanang kamay para makipagdaupang-palad sa kanya.

Napatingin siya sa mukha ng lalaki kapagkuwa'y tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. "Sarah," pakilala niya.

"Okay, Sarah. Huwag kang ma-offend ha, akala ko talaga kanina tatalon ka e kaya nilapitan kita rito," ani Simonscott.

Ngumiti siya. "Actually, 'yan talaga plano ko e," aniya.

"Really? But why?" maang nitong tanong.

"Ayoko na kasi e. I'm so tired."

Napabuntong-hininga si Simonscott. "Masaya ang mabuhay, Sarah, kung tatanggapin lang natin na parte talaga ng buhay ang mga problema. Tawanan mo na lang ang mga 'yon at mapapanatag na ulit ang kalooban mo. Bakit ano'ng problema mo?" Simonscott said.

"Huwag mo na lang alamin," she said at muling tumingin sa malayo.

Nagkibit-balikat si Simonscott. "Tagasaan ka pala?"

"Somewhere in Makati."

"Really? I'm also living in Makati," nakangiting sabi ni Simonscott.

"Baka makita ka ng girlfriend mo."

"Wala na akong girlfriend sa ngayon, Sarah."

Ngumiti siya rito. Aminado siyang gwapo ang lalaking kaharap. "What's your name again?" tanong niya.

"Simonscott but call me Simon since it's my nickname," tugon ni Simon.

"Okay, Simon. Baka may pupuntahan ka pa."

"Tinataboy mo na ako?" dismayadong tanong nito.

"Hmmm... nope. Bakit wala ka bang pupuntahan?"

"Wala naman. Pero kung may gusto kang puntahan, puwede kitang samahan," seryosong sabi nito. Titig na titig ito sa kanya.

"Talaga?"

"Yep."

"How about if sabihin ko sa 'yong gusto kong tumalon dito, sasama ka?" she asked.

Napatingin sa ibaba si Simonscott kapagkuwa'y napatingin naman sa kanya. "Kung kasingganda mo ba ang sasamahan kong tumalon diyan, why not?" nakangiting tugon ni Simonscott.

Napatawa siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pero parang kinikilig siya nang mga sandaling iyon.

"Talaga lang ha, so are you ready?" aniyang biglang hinawakan ang kanang kamay nito.

Nagkatitigan sila at kapwa natigilan. Biglang parang kinuryente si Sarah nang mahawakan ang kamay ni Simonscott.

*****

DAHAN-DAHANG binuksan ni Mau ang pintuan ng kanilang bahay. Naisipan na niyang umuwi. Hindi niya alam kung bakit pero talagang namimiss na niya ang kanyang kabiyak na si Hiechan. She realized na hindi pala niya kayang maghiwalay silang dalawa.

"Hon?" tawag niya nang makapasok ng bahay. "Hon!"

Pero walang sumagot. Dumiretso siya sa kanilang kwarto. She checked their closet. Tumulo ang mga luha niya nang makitang kunti na lamang ang mga damit ni Hiechan doon.

Tumayo siya at laylay ang mga balikat na naupo sa kama. May nakita siyang kapiraso ng papel sa bedside table. Kinuha niya iyon. Sulat mula kay Hiechan.

"Hon, sana mapatawad mo pa ako. Basta ito lang ang masasabi ko sa 'yo, mahal na mahal kita, hon. Again I'm really sorry at naging marupok ako. Nagpadala ako sa init ng puson, hon. Pero tandaan mo palagi na sa 'yo lang ang puso ko. Nirerespeto ko ang desisyon mong hiwalayan ako. Pero, hon, pangako, ikaw lang ang una't huling babae na mamahalin ko. Sana balang araw, gumawa ng paraan si God na muling magtagpo ang mga puso natin. Alam kong galit ka pero aminin mo, mahal na mahal mo pa rin ako 'di ba? Mag-ingat ka palagi. I love you so much."

Napahagulgol si Mau matapos basahin ang sulat ni Hiechan. Hinalikan niya iyon at kapagkuwa'y itinapat sa kanyang dibdib.

"Mahal na mahal pa rin kita, hon," humihikbi niyang sabi.

*****

"ROD, bakla ka ba?" tanong ni Hiechan nang hindi pa rin sumasagot ang kapatid sa kanyang katanungan kanina.

"Oo, kuya," ani Rod na halos hindi lumabas ang boses. Agad itong napaiyak. Napayuko ito at umuuga na ang balikat.

Mga ilang sandali ring tila na-magnet si Hiechan sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya nang mga sandaling iyon.

"Bakit hindi mo agad sinabi, Rod?" tanong niya.

"Kuya, takot akong baka hindi niyo ako matanggap e," sagot ni Rod.

Lumapit siya sa kapatid at umupo sa tabi nito. Hinagod niya ito sa likuran. "Sana noon mo pa sinabi e, alam kong mahirap ang magtago, sana kahit sa akin man lang inamin mo. Magkapatid tayo 'di ba? Buddy mo ako 'di ba?"

Gumaan naman ang kalooban ni Rod sa narinig. "Sorry, kuya. Pinangunahan lang talaga ako ng matinding takot. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction mo kapag nalaman mo ang tungkol sa kabaklaan ko."

Sandali silang natahimik na ani mo'y may dumaang Anghel.

"Pero alam mo, Rod, believe ako sa 'yo. Kasi hindi ka talaga napaghahalataang bading e. Paano mo nagawa 'yon ha? Ang iba kasi kahit anong gawing pagpapalaki ng katawan, halata pa rin e," mayamaya ay natatawang sabi ni Hiechan.

Napatawa si Rod. "Idol kasi kita, kuya, e. Kaya pati galaw mo kuhang-kuha ko," aniyang nagpahid ng basang mga pisngi.

"Hindi mo ba sinubukan ang sarili mong mangbabae? Alam mo na, baka babae lang ang solusyon, Rod, para maging isang tunay kang lalaki."

"Sinubukan, kuya, pero wala talaga e. It's not working. Kahit ano'ng gawin ko wala talaga akong nararamdaman sa kanila."

"Kahit hubo't hubad na sila sa harapan mo, wala talaga? Hindi tumatayo si manoy?" nakangiting tanong ni Hiechan.

"Ganoon na nga, kuya," nahihiyang tugon ni Rod.

"So, ilang lalaki na ang dinala mo rito?"

Napakunot ang noo ni Rod sa kanyang katanungan. "Ibang tanong na lang, kuya," sabi nito. Nahihiya kasi itong pag-usapan ang tungkol doon.

Tumawa siya sa naging reaction ni Rod. "Baka pati ako, pinagnanasaan mo ha," nanunukso niyang sabi sabay tawa.

Napatingin lamang si Rod sa kanya. Hindi nakapagsalita.

"Oh bakit, Rod? Bakit hindi mo masagot ah?" patuloy niyang panunukso rito. Nakita niyang namumula na ang mukha ng kanyang kapatid.

Tumayo siya at tawa pa rin ng tawa.

"Kuya, how about if sabihin ko sa 'yong oo, pinagnanasaan nga kita."

Napalingon si Hiechan sa sinabi ng nakakabatang kapatid. Bigla siyang na-conscious sa kanyang ayos. Naka-boxer lamang kasi siya.

Nalito siya. Ano ba dapat niyang isagot sa kapatid? Biro lang naman ang sa kanya. Paano kung seryoso ang sagot ni Rod?

---

To be continued...

True Confessions: Unang Tikim (M2M) Part 4


PAGKATAPOS naming mag-snak ni Ryan ay pumunta kami sa gym. Marami kasing lalaki na naglalaro ng basketball lalo na ang mga varsity player. Napakaingay roon sa dami ng mga bakla at babaeng asal bakla na sumisigaw. Busog na busog talaga ang mga mata namin sa dami ng gwapo.

Nakita ko si Jano. Third year college na ito at isa sa mga varsity player. Sa totoo lang ay naa-attract din ako sa mokong na ‘to. Napakagwapo talaga. Iyong tipong bad boy image. Nakadagdag pa sa appeal  nito ang pagiging kalbo. May tattoo ito sa kanang rib cage. Madalas kong makita iyon dahil nakahubad-baro ito kapag naglalaro. Alaga rin sa gym ang katawan nito at balbon. Naging fetish ko talaga ang mga lalaking balbon. Sobrang hot ng mga ito para sa akin. Naaalala ko na naman si Rico. Magkasingtangkad lang kasi sila ni Jano at parehong balbon.

“Sis, sino ang gusto mong tikman?” tanong ni Ryan.

Hindi lingid sa kaalaman kong marami na siyang natitikmang varsity player. Lahat ng mga ‘yon ay binayaran niya. Pero kailanman ay hindi nito pinagkainteresan si Jano. Alam kasi niyang si Jano ang type ko.

“Kailangan mo pa bang itanong ‘yon, sis?” ganting-tanong ko sa kanya.

“Oo nga pala. So kailan mo gustong tikman si Jano?”

“Sa tingin mo papatol talaga si Jano sa akin?”

“Oh my, God! Kung hindi lang dahil sa ‘yo matagal ko nang natikman ‘yan, e,” sabi niya.

Napatingin ako kay Jano. Sobrang galing niya talagang maglaro. Basang-basa na ito ng pawis nang mga sandaling iyon. Naglalaro sa isipan ko kung ano kaya ang amoy ni Jano. Mas malaki kaya ang kargada nito kay Rico? Hayss… si Rico na naman. Erase! Erase! Erase!

“E, paano ko ba siya i-approach, sis?” tanong ko kay Ryan.

Natawa siya. “Hay naku! Sa tagal mo nang alam kung paano ako dumidiskarte sa mga lalaki, wala ka pa ring ideya?”

Alam ko naman talaga kung paano. Babayaran para sa sandaling panahon na maiibigay ng mga lalaki. Actually, bumababa ang tingin ko sa mga baklang ganoon ang ginagawa pero napag-isip-isip kong ‘yon lang talaga ang paraan. Puwera na lamang kung may mga lalaki talagang bibigay ng libre gaya ni Rico. Swertehan lang talaga. Kung hihintayin ko kaya ang pagkakataong kusang bumigay sa akin si Jano? Pero imposible naman sigurong mangyari ‘yon. Una sa lahat, sobrang layo namin sa isa’t isa at hindi nga kami magkakilala.

“Magkano kaya siya sa tingin mo, sis?” naguguluhan kong tanong kay Ryan.

“Gayahin mo lang ang ginagawa ko, sis. Unahan mo ng isang libo. Kapag ayaw kumagat, dalawang libo mo na. Kapag ayaw pa rin edi humanap ka ng ibang lalaki. Puwera na lang kung gustong-gusto mo talaga siya at sa tingin mo’y sulit ang demand niya sa ‘yo. Alam mo na ‘di ba? Latest iphone pa ang nabigay ko matikman lang si King Dave.” CONTINUE READING...

True Confessions: Unang Tikim (M2M) Part 3


SURE ka, Randy? Baka hindi ‘to kayanin ng bibig mo, ha!” sabi ni Rico at biglang inilabas nito mula sa loob ng boxer at panloob ang napakalaki at napakatigas na tarugo.

Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Panay ang lunok ko ng laway nang mga sandaling iyon. Ang sarap naman kasing tingnan ng pagkalalaki ni Rico.

“Asuss… ako pa ang hinamon mo, Rico? Maliit nga lang ‘yan kumpara sa mga banyagang nakatalik ko, e,” sabi naman ni Randy at parang piniga ang puso ko nang biglang hinawakan nito ang pagkalalaki ni Rico. Tumawa lamang si Rico at umayos ng upo sa upuan. Bigay na bigay lang talaga ito. Sinalsal nang mabilis ni Randy ang napakatigas na lamang iyon. Napasinghap ng hangin si Rico.

Nang mga sandaling iyon ay para akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Nagseselos ako. Bakit hindi? Ang tagal ko nang hinahangaan si Rico e tapos hayun siya, nasa harapan ko at bumigay lang sa ibang bakla. Akala ko talaga ay nakalimutan na nilang nasa harapan pala nila ako. Biglang nagsalita si Rico.

“Ayaw mong sumali sa amin? Gusto ko talagang magpakasaya ngayon, e. Hiniwalayan ako ng nobya ko. Ngayon lang ako bibigay sa mga kagaya ninyo.”

Nakita kong tuluyan nang bumaba ang ulo ni Randy at isinubo na nga ang kargada ni Rico. Napanganga siya at inilagay sa likod ng ulo ang mga kamay. Ang sarap pagmasdan ng malagong buhok niya sa kilikili.

“Akala ko ba, hanggang sex lang ang tingin mo sa mga babae. Narinig ko kasi ang usapan ninyo kanina ng barkada mo,” tugon kong pinilit na hindi gumaralgal ang boses. Dahil pumipikit si Rico paminsan-minsan ay nagkakaroon ako ng chance na punasan ang mga luha sa aking mga pisngi. Ang sakit-sakit talaga. Unang beses kong naramdaman iyon. Broken-hearted na agad ako. Pero ang ipinagtataka ko lang sa sarili ko noon ay kung bakit nanatili pa ako roon. Bakit hinayaan ko ang sarili kong maging audience nila ni Randy? Parang tanga rin kasi ako, e.

Lumilikha na ng ingay ang ginagawang pagchupa ni Randy kay Rico. Hindi pa nakontento ang bakla at ibinaba na nga hanggang tuhod ang boxer at panloob ng crush ko. Pulang-pula ang mukha niya at kagat ang ibabang labi. Siguro ay para mapigilan niya ang umungol.

Hindi na ako nag-expect na tumugon pa si Rico pero bigla nga itong nagsalita, “Akala ko rin hanggang sex lang gaya nang ginagawa ko sa ibang babae pero iba ang nangyari ngayon sa relasyon namin ni Dina. Tinamaan na pala ako nang hindi ko man lang namamalayan. Siyanga pala, ayaw mo talagang sumali? Hindi mo ba ako type?” Kumindat siya sa akin.

Sa totoo lang ay nainis ako sa kanya. Pero bakit nga ba ako nagdadrama? Hindi naman niya alam na crush ko pala siya ‘di ba? So bakit siya magiging concern sa nararamdaman ko? Ano ang pakialam niya kung nagseselos na pala ako nang mga sandaling iyon?

Hindi ko na siya tinugon. Pumikit naman siya ng mga mata. Alam kong libog na libog na siya sa ginagawa ni Randy. Ang bakla, pokus lang talaga sa pagpapaligaya kay Rico. Para na akong hindi nag-i-exist noon para kay Randy. Puro deepthroat ang ginagawa nito kay Rico. Sa tingin ko, hindi ko ‘yon kakayanin. Napakalaki at napakahaba naman kasi ng pagkalalaki ng crush ko. Ang swerte talaga ni Randy. Kung totoo ang sinabi ni Rico na noon lang siya bumigay sa bakla, so si Randy pala ang naka-virgin sa kanya. Kung alam ko lang na bibigay pala kaagad si Rico, sana ginawa ko na ang balak ko. Sana hinipuan ko na siya nang makita ko bago pa dumating ang punyetang Randy. Pero kaya ko ba namang gawin ‘yon? Hindi talaga, e. Hindi ako mapagsamantalang bakla. Hindi ako kagaya ni Randy.

“Malapit na ako… ohhh…” ungol ni Rico. Sa tingin ko ay mas lalo pa siyang naging gwapo nang mga sandaling iyon. Ang sarap pala pagmasdan ng mga lalaking nalilibogan.

Mas lalo namang binilisan ni Randy ang pagchupa sa kanya. Basang-basa na ang kargada ng crush ko. Pati ang malago nitong bolbol ay basa na rin. Nakita kong unat na unat na ang mga binti ni Rico. Medyo nanginginig na rin ito.

“Ohhh… bilisan mo pa… ang sarap…” nagpailing-iling ang mukha ni Rico. Hinawakan na niya ang ulo ni Randy at kumadyot na rin sa bibig nito.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ulit ng mga luha. Malapit nang matikman ni Randy ang katas ni Rico. Mas lalo akong nasasaktan noon. Gusto ko nang umalis no'n. Pero bakit hindi ko talaga magawa? Siguro dahil kay Rico. Siguro dahil gusto ko pa siyang makasama. Parang gusto ko na talagang sampalin ang sarili ko nang mga sandaling iyon. CONTINUE READING...

Friday, November 10, 2017

True Confessions: Unang Tikim (M2M) Part 2


NAKALABAS nga ako ng gate namin. Napahugot ako nang malalim na hininga at kinabahan nang matanaw ko si Rico. Nakahiga ito sa upuan sa labas ng tindahan. 

Naaaninag ko pa rin siya dahil sa liwanag ng ilaw mula sa poste. Medyo nagdalawang-isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi kaya huminto ako sa paglalakad. 

Wala ng katao-tao sa subdibisyon nang mga sandaling iyon. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig. Idagdag pang nakakapanginig talaga ang labis na kabang nararamdaman ko no’n.

“Bahala na!” sabi ko sa isipan at tumuloy na sa paglalakad papalapit kay Rico.

Mas lalo akong kinabahan nang makalapit na sa kanya. Humihilik siya palatandaan nang malalim na pagtulog. Nakatihaya lamang siya noon at nakaunan ang mga kamay sa ulo. 

Ganoon pa rin ang kanyang ayos. Tanging boxer shorts lamang ang suot. Bukol na bukol ang harapan ni Rico. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko noon sa sobrang kaba. 

Nangingintab ang kanyang katawan sa sobrang kinis. Ang sarap niya talagang pagmasdan lalo na at balbon pa siya. Napaka-sexy talaga niya.

Humugot ako nang napakalalim na hininga kapagkuwa’y mas lumapit pa sa kanya. Pinagmasdan ko ang kanyang napakagwapong mukha. Medyo nakaawang ang kanyang mapupulang mga labi. 

Bumaba pa ang mga mata ko sa kanyang malapad na dibdib. May pinong balahibo ang parting ‘yon. Napansin kong tayong-tayo ang kanyang mga utong. 

Naglakbay pa ang mata ko pababa. Ang sarap talaga pagmasdan ng pinong buhok mula sa gitna ng dibdib, sa ma-abs na tiyan at kumapal iyon sa ibaba ng pusod. Gaano kaya kakapal ang karugtong ng mga buhok na iyon? Napatanong ako sa isipan.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko nang mga sandaling iyon. Andun si Rico, halos hubad sa harapan ko, pero ano ba talaga ang dapat kong gagawin? Isasakatuparan ko na ba ang matagal ko nang inaasam na mangyari? Ang matikman siya?

Ang daming katanungan sa isipan ko no’n. Naramdaman ko na ring unti-unti nang nagigising ang aking alaga. Nakakalibog talaga si Rico. Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa rin ako kahit mainit na ang katawan ko.

“Dindo, sino ‘yan?”

Patay! Pamilyar sa akin ang boses na ‘yon! Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakasagot.

“OMG! Si papa Rico pala!” bulalas ni Randy nang makalapit. Isa siya sa mga kapitbahay namin at nagtatrabaho sa isang parlor. Bakla ito at para na talagang babae kung titingnan. Alam kong may crush din siya kay Rico. Amoy alak siya no’n. Naisip kong galing siguro sa inoman.

“Ikaw,sis, ha, ano ang binabalak mo sa kanya, ha? Ikaw ba ang lumasing diyan?”

“Huh? Hindi, ah. Kakauwi ko lang kasi galing kina Ryan. Gumawa kami ng assignment. Nakita ko nga si Rico at balak ko sanang gisingin kasi kawawa naman. Ang lamig pa naman ng panahon,” pagdadahilan ko. Si Ryan ay classmate ko ring bakla na tagaroon din sa subdibisyon na ‘yon. Baliw na baliw rin iyon kay Rico. CONTINUE READING...